About
Magandang araw po sa lahat at mabuhay po tayong lahat!
In response po sa mga katanungan ng aming mga blog visitors na Pinoy ay binuo po namin ang partikular na webpage na ito na nakadedicate sa lahat ng uri ng katanungan ninyo ukol sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ang aming aim sa pagbuo ng Ask TESDA page ay upang malaman ang inyong mga concerns at frequently asked questions at masagot ang mga ito sa abot ng aming makakayanan.
Upang gawing malinaw sa lahat, nasi din po naming bigyang importansya na ang webpage / blog na ito ay umiiral na malayang conversation sa web o internet at hindi po kami related or affiliated sa mismong TESDA na agency ng Philippine government. Ang mga manunulat at authors ng mga articles na matatagpuan sa aming mga categories, pages at posts ay maaari ding makita sa iba pang mga websites sa pamamagitan ng paghahanap online gamit ang Google Search.
Alinmang katanungan ukol at related sa TESDA either in Tagalog, TagLish or English man ay welcome sa pahinang ito. Sa mga gustong magpadala ng kanilang mga katanungan, mangyari lamang po na bisitahin ang aming “Ask Here” page sa top menu navigation at isulat o fill up ang aming form. Sa gayong pamamaraan ay mapagtulungan nating maiparating ang ating mga concerns, hinaing at iba pang gustong ipaalam sa TESDA sa pamamagitan ng ating semi-forum na ito sa uri ng katanungan.
Ipinaaalalahanan po namin ang lahat na mag observe ng courtesy, politeness at paggalang sa isat isa sa pagtatanong at pagsagot sa mga tanong na makikita dito sa aming mga pages. Exercise good manners as if tayo po ay may isang professional conversation with a loved one of close family members sapagkat dito po sa Ask TESDA, tayong lahat ay magkakampi, magkatulong, magkapatid, magkapamilya at magkapuso.
Pagtulungan nating pagyabungin ang kulturant Pilipino sa pamamagitan ng pag exercise o paggamit ng wikang Pilipino o sa pamamagitan ng pagtatanong in Tagalog. Sa ganitong paraan po ay madali nating maunawaan ang isa’t isa at makapag palitan ng kuru-kuro sa paraang madali nating maintindihan. Mabuhay po kayo at maraming salamat sa pang-unawa.
Salamat Po,
Admin
Recent Comments